[...] "Mayroon akong isang panukala." dumukwang siya gaya ng ginagawa ng aking kaibigan na si April kapag may gusto siyang sabihin na lihim, kahit na minsan ang ilan sa kaniyang mga lihim ay hindi mabuti. O kahit na talagang mga lihim ito.
" Kung hindi mo sasabihin sa sinuman na nandito ako, maaari kong ayusin ang iyong mga mata. "
"Umalis ka na sa bayan! "
Ilang beses itong kumurap. " Iyan ang sinusubukan kong gawin."
"Ang ibig kong sabihin ay hindi mo ito magagawa! "
"Bakit hindi? "
"Sapagkat,walang ibang nakapagpalinaw ng aking mga mata, maliban sa mga salamin."
"May mga kakayahan ako. Makikita mo, kung... "
" ...Hindi ko sasabihin sa sinuman ang tungkol sa iyo?"
" Iyon ang puso nito, iyon ang pinaksentro."
"Paano ko malalaman na hindi mo ako bubulagin? Maaari kang maging tulad ng isa sa mga telemarketer na nangangako ngunit lubusan namang nagsisinungaling."
Nagsimula itong lumiit at, lumaki muli. "Hindi ko gagawin ang gayong bagay sa isang nilalang na hindi ako kayang saktan."
" Ang ibig sabihin kung sasaktan kita, maaari mo akong bulagin?"
"Ayan ay malalaman mo sa takdang panahon"
"At kung pagagalingin mo ang aking mga mata, at hindi ko sasabihin sa sinuman ang tungkol sa iyo, aalis ka na sa aming bukirin?"
" Tumpak ka diyan!" [...]